Si Mark Kevin “MK” P. Reginio ay isang lisensyadong guro at nagtapos sa mga programang peryodismo (BA) at antropolohiya (MA) sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2018 at 2023. Ang kanyang master’s thesis ay isang digital ethnography ukol sa mga karanasan ng mga Binging estudyante noong COVID-19 pandemic. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng mga kurso sa antropolohiya at agham panlipunan. Nakumpleto na niya ang apat na lebel ng pag-aaral sa Filipino Sign Language sa ilalim ng Philippine Registry for Interpreters of the Deaf. Kasalukuyan siyang tagapayo ng Sign UPD, isang organisasyong pang-mag-aaral na nagsusulong ng paggamit ng FSL sa unibersidad.